Titulong primetime queen dapat na nga bang bawiin ng GMA kay Marian Rivera?

marian rivera

IT was a day of mourning for Mrs. Dingdong Dantes’ morning show kahapon dahil sa pamamaalam nito sa ere. Sorry but we lost count kung nakailang umaga lang ito.

Pero isa lang ang tiyak, after all the hoopla and the pralala, all the hype and the hyperbole na dapat abangan ang return to TV ni Mrs. Dantes after she gave birth turned out to be a BIG DUD!

Isinabay o malapit na ring isabay sa pamamaalam ng kanyang non-rating, nondescript show ang pagpatay sa kanyang karakter sa fantaserye ng GMA which is consistently losing to Coco Martin’s FPJ’s Ang Probinsyano ratings-wise.

That being the case, bigyan naman natin ng kaukulang kredito si Mrs. Dantes sa pagtanggap ng katotohanang she’s the network’s Primetime Queen no more. To begin with, wala na siyang programa sa block na ito.

Hindi rin naman niya maaaring akuin ang credit for her Sunday show dahil kumbaga sa chop suey, she’s simply one of the veggies na puwedeng isahog nang meron o wala without compromising its taste and nutritional benefits.

Pak! Ganern!

Read more...