James binuksan ang zipper habang nasa mall; JaDine fans nagtilian

nadine lustre at james reid

NASA Greece na ang reel and real life lovers na sina James Reid at Nadine Samonte para mag-shoot sa inaabangang teleserye nila na Till I Met You sa ABS-CBN.

Si Nadine ang nagsabi sa amin tungkol sa pag-alis nila ni James nu’ng makausap namin siya sa launch bilang Bench endorsers para sa bagong ad campaign ng nasabing clothing line na #BenchEveryday na ginanap sa SM MOA.

Ayon kay Nadine, two weeks sila ni James sa Greece para mag-shoot ng mga eksenang kailangan para sa bago nilang serye. No wonder punung-puno ang schedule ng dalawa almost everyday bago umalis ng bansa. Gaya na lang noong araw mismo ng big launch nila for Bench, na-late ang start ng event sa oras ng invitation dahil wala pa sila. We heard, manggagaling sa isang pictorial ang JaDine bago pumunta roon.

Pero kahit inabot na ng ulan ang JaDine fans, matyaga pa rin silang naghintay, pumila at nakipagsiksikan sa venue. At pagdating nga ng dalawa, nakakabinging tilian na ang sumalubong sa kanila on stage. Say ni Nadine, “Super, super happy na maging Bench endorser and Bench is one big happy family kasi ‘di ba? Very happy.”

Pilyo naman si James nu’ng binuksan niya ang zipper sa gilid ng kanyang shirt at itinaas ang laylayan nito kung saan pinasilip sa audience ang kanyang abs kaya tilian at palakpakan ang fans. Wala namang problema kay Nadine kahit ka-join nila sa bagong campaign ng nasabing clothing line ang magka-loveteam na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, pati na rin sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Anyway, bago pumunta ng Greece ang JaDine, nakapag-shoot na raw sila ng ilang eksena dito sa Pinas para sa bago nilang teleserye.  Tinanong namin si Nadine kung true ba na ang co-star nila sa bagong serye na si JC Santos ay gaganap na bilang gay, “Secret,” kasunod ang tawa ng dalaga.

Sa teaser ng serye, mukhang si JC nga ang magiging gay lover ng karakter ni James. Saad pa ni Nadine, “Basta super brave po nitong teleserye na ito. It’s something na unusual dito sa atin.” May nagsasabi na may konek sa LGBT ang storyline ng Till I Met You dahil nga sa magiging ‘relasyon” nina JC at James sa kuwento. Hawig din daw ang storyline nito sa My Husband’s Lover noon nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez. “Ah… hahaha! Malapit na po.

‘Yun nga, malapit na kaya abangan ninyo na lang po. Pero magandang-maganda po ang kwento nito,” lahad ni Nadine.

Read more...