Aiza excited, kabado sa pagiging chair ng Natl Youth Commission

aiza seguerra at rody duterte

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Aiza Seguerra bilang Chairperson ng National Youth Commission.

Matatandaang sinuportahan ni Seguerra at ng kanyang misis na si Liza Dino ang kandidatura ni Duterte noong nakaraang eleksiyon. Ayon sa Palasyo manunungkulan si Aiza sa loob ng tatlong taon.

Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ng dating child star na ang kanyang appointment paper at pinirmahan noong Martes, Agosto 8, at ibinigay sa kanya nitong Huwebes. Sa Martes siya opisyal na magsisimula sa kanyang trabaho na dating hinawakan ni Dingdong Dantes.

Inamin din ni Aiza na excited siya sa bagong posisyon bagamat may halo itong takot. “This is a very big thing dahil kabataan ito at napakaraming sektor ang kailangang matuunan ng pansin,” pahayag pa nito.

Nauna nang itinalaga ni Duterte sina Arnell Ignacio bilang AVP for Community Relation and Services Department ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor). Itinalaga rin si Jimmy Bondoc sa Pagcor.

Bukod sa kanila, itinalaga rin sina Ramon “RJ” Jacinto bilang Presidential Assistant on Economic Affairs and Information Technology at Freddie Aguilar.

Read more...