Andi nasaktan daw nang pumayag si Jake na umapir sa Kalyeserye ng ‘Eat Bulaga’

andi eigenmann at jake ejercito

NA-HURT pala si Andi Eigenmann nang pumayag ang ex-boyfriend niyang si Jake Ejercito na umapir sa Kalyeserye ng Eat Bulaga bilang classmate ni Yaya Dub.

Mas lalo pang nasaktan si Andi nang pumayag uli ang anak ni Mayor Joseph Estrada na magkaroon ng special participation sa Lenten episode ng noontime show na may titulong “God Gave Me You”, kung saan nakasama niya sina Maine Mendoza at Alden Richards.

Sa panayam ng ilang members ng entertainment press sa presscon ng latest movie ni Andi na “Camp Sawi”, sinabi ng single mom na nagulat talaga siya nang biglang magdesisyon si Jake na i-try ang akting. “Hindi talaga! Never! Walang bahid. Hindi ko in-expect. Ang alam ko, ayaw niya. Palagi niyang sinasabi na ayaw niya at…medyo nag-uusap pa kami nu’ng panahon ng AlDub. At alam niyang masasaktan ako kapag ginawa niya yun,” paliwanag ni Andi.

Pero bakit nga ba siya apektado kung pasukin man ni Jake ang pag-aartista? “Because we were together for…well, hindi ko naman masasabing ako ang tama. Hindi naman natin maku-control ang sakit. “Because for the four years, five years that we were together, all he did was deny me and make sure that he would have nothing to do with me.

“But with the loveteam na siya lang ang triangle, ‘Go, game ako.’ Pero sa akin, he never wanted to be associated with me, anything. “Just to save face, he would say negative things about me, para lang patunayan sa mga tao na hindi niya ako gusto. Parang pinandirihan niya ako.

“Pero sa ibang loveteam…habang ako isinisigaw ko sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal, pero siya, sa ibang loveteam, kahit third party lang, game siya, papayag siya. Parang ang pangit-pangit ko!” tuluy-tuloy na pahayag ni Andi. Knows din daw ng binata ang sentimyento niya, “Alam niya. Kaya nga yata ginawa niya, kasi ang gusto lang niya sa buhay niya noon ay saktan ako. Noon, pero ngayon, okey na!”

May mga balita na isa si Jake sa mga kino-consider ng GMA na itambal kay Jennylyn Mercado sa Pinoy version ng hit Koreanovela na My Love From The Stars. May nagtanong naman kay Andi kung hindi ba niya pagbabawalan si Jake na mapalapit sa anak na si Ellie, “Si Jake, wala akong masamang masasabi sa kanya pagdating sa anak ko.

“I’m very grateful that he loves Ellie. Yung sa amin, hindi connected yun sa relationship niya kay Ellie,” sey pa ng aktres sabay sabing ang school na pinapasukan ni Ellie ay pag-aari nina Jake. Kaya naman natanong siya kung libre ba ang tution ng bata? “Hindi, nagbabayad siyempre!” Huling tanong naman namin kay Andi, nakikita pa rin ba niya ang sarili na magpapakasal? “Marrying from before and now…I’m really happy in my state at the moment. But marriage is so, so far.

“It’s so far, right before the very back of my brain. It’s not a priority at all. I’ve realized, I’m young anyway, parang why make a big deal of getting heartbroken when I can just focus with my career, which is more important because this is for Ellie. So, yung marriage, saka na yun,” aniya pa. Sa ngayon, naka-move na nga raw si Andi sa break-up nila ni Jake at masaya na siya sa piling ng bago niyang boyfriend.

Pero tumanggi ang aktres na pangalanan ang kanyang bagong dyowa. Aniya, non-showbiz naman ito kaya hindi na muna niya ibabandera sa publiko. Sey pa nga ni Andi, “Hindi niya, well, tinanggap niya nang buong-buo. Wala akong work nu’n, e. Wala akong ginagawa. Ni hindi nga niya alam na artista ako, pero sinubukan niya akong makilala.

“I like that, I can really be myself and be the person that I really am, and that’s what he likes.”

Read more...