Chynna, Jennica pag-uusapan ang pagpapadede

regine

MAY all-girl bonding na magaganap sa bahay ng nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ngayong Sabado.

Day-off ng first time moms na sina Jennica Garcia at Chynna Ortaleza kaya naman susulitin nila ito sa pakikipagkuwentuhan kay Regine sa isa na namang espesyal na episode ng Sarap Diva.

Exciting na kuwentuhan on their breastfeeding problems, mommy-shaming sa internet, over-sharing sa facebook at iba pang kwentong nanay.

Ang kapitbhay na si Tetay makiki-sawsaw din sa kwentuhan at para sa pananghalian, may paandar na Kare-kareng Lechon Manok with Kasuy si Songbird!

Isang masayang kuwentuhan, kainan at kantahan na naman ngayong Sabado sa Sarap Diva pagkatapos ng Maynila sa GMA.

Read more...