Arci Muñoz 4 na taon pa ang hihintayin bago magpakasal | Bandera

Arci Muñoz 4 na taon pa ang hihintayin bago magpakasal

Alex Brosas - August 12, 2016 - 12:10 AM

arci munoz

SINO kaya ang ex-boyfriend ang tinutukoy ni Arci Muñoz na natagalan siya bago naka-move on.

Sobrang naka-relate si Arci sa papel niya sa pelikulang “Camp Sawi” bilang si Gwen, na isang miyembro ng banda kasama ang kanyang boyfriend na iniwan siya dahil hindi na nito trip ang ugali niya.

Kung totoong miyembro rin ng banda ang ex-boyfriend ni Arci ay hindi malayong si Kean Cipriano nga ang tinutukoy niyo, pero tigas naman sa kakatanggi ang isa sa bida ng “Camp Sawi” na hindi raw ang husband ni Chynna Ortaleza ang binabanggit niyang ex.

Sabi ni Arci tungkol sa pag movie on, “It really takes time, kailangan pagdaanan mo siya para mawala siya completely, para pag pumasok ka ulit sa bagong relasyon, alam mo na. Kasi sa unang relasyon ko na heartbreak ko, hindi ko alam gagawin ko, para akong mababaliw, pero nu’ng pangalawa, parang ‘huh!’ na lang.”

Halos lahat daw ng mahal sa buhay ni Arci kapag nawawala ay hirap siyang mag-move on tulad sa tatay niya na sumakabilang buhay noong nakaraang taon.

Itinanggi naman ng dalaga ang balitang may isyu sila ngayon ng boyfriend niyang si Badi del Rosario, bokalista ng bandang Mr. Bones And The Boneyard Circus dahil ang totoo ay masaya sila sa isa’t isa. Aniya, “Very supportive siyang boyfriend.”

Sa tanong kung kailan naman sila ikakasal ni Badi, malayo pa raw. Baka raw kapag 30 o 31 na siya, e, 27 na si Arci ngayon, so apat na taon na lang?

Mapapanood na ang “Camp Sawi” sa Agosto 24 produced ng Viva Films and N2 Productions ni Neil Arce. Kasama rin sa pelikula sina Bela Padilla, Kim Molina, Yassi Pressman, at Andi Eigenmann mula sa direksyon ni Irene Villamor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending