Kapatid ni KC lalaban sa Miss Universe-Sweden

cloie concepcion

KANDIDATA pala sa Miss Universe-Sweden 2016 ang anak ni Gabby Concepcion kay Jenny Syquia na si Cloie Syquia Skarne na gaganapin sa Agosto 28 sa Stockholm.

Si Cloie ay half-sister nina KC Concepcion (anak ni Gabby kay Sharon Cuneta) at Gabrielle Concepcion (anak naman ng aktor kay Grace Ibuna).

Kung papalaring manalo si Cloie sa nasabing pageant, isa siya sa magiging kandidata sa Miss Universe na gaganapin sa Pilipinas sa Enero, 2017.

Cloie Concepcion ang ginamit na screen name ng dalaga nu’ng plano pa niyang pasukin ang showbiz pero dahil in-adopt na siya ng kanyang stepfather na si Filip Skarne na isang Swedish.

Base sa post ni Cloie sa kanyang Instagram account (@cloiesyquia), “EJ! 3 weeks to go until the Miss Universe Sweden 2016 final on August 28th and I’m so excited! #gettingready for #missuniversesweden @missuniversesweden Have a great day everyone! #missuniversesweden2016.”

Read more...