Itinakda ng tadhana

Sulat mula kay Rossana ng San Vicente, Likoan, Metro Cebu

Dear Sir Greenfield,
Nagkahiwalay kami ng ka-live-in ko, simula ng balikan niya ang kanyang dating girlfriend. Pero sabi nya naman sa akin nakikisama lang daw siya para sa anak nila. Ang problema ngayon ko lang na-realized na hindi ko pala kayang mabuhay ng wala siya, na nagkataon namang tumawag siya at magulo na naman daw ang buhay nila ng dating girlfriend nya. Tama ba ang desisyon ko na makipagbalikan sa kanyang muli? Bukod sa kanya may isa pa akong manliligaw na binata, kaya lang hindi ko siya mahal. Sa palagay nyo sino sa dalawang lalaking ito ang makakasama ko habang buhay at magbibigay sa akin ng magandang kinabukasan? November 16, 1988 ang birthday ng dating ka live-in ko at October 15, 1988 naman ang manliligaw ko. July 2, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Rossana ng Metro Cebu
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang nakikitang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung sino ang unang lalaking minahal mo at pinakisamahan, sa bandang huli siya na rin ang nakatakdang makakasama mo habang buhay.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Ten of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustration 2.) Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Oktubre, tuluyan ng mahihiwalay sa orihinal na pamilya niya ang dating naka-live in mo, upang pagkatapos nito, kayo na nga magsama sa iisang bubong bilang isang masaya at pang habang buhay ng mag-asawa.
Itutuloy….

Read more...