Aktor na may konek sa drug lord takot na takot

BLIND ITEM 0715

Hala, worried na worried ngayon ang isang very active pa ring young character actor na “friend” daw ng ilang nasa kulungang drug lords/protectors. Ito raw kasing si character actor ay minsan na ring napaghinalaang gumagamit at nagtutulak umano ng droga kaya raw ito hiniwalayan ng dating asawa nito na isa ring taga-showbiz.

Si character actor nga raw ang madalas na kontakin ng mga naturang drug lords kapag mayroong mga events noon sa kulungan dahil madali nitong nadadala ang mga starlets at sexy models sa showbiz.
At dahil nga raw sa kampanya ng Duterte administration laban sa droga, kabado na ito ngayon at iwas-iwas sa mga imbitasyon mula sa mga drug lords and dealers dahil baka raw isabit pa siya.

Well, kung wala naman siyang ginagawang masama o labag sa batas, eh, bakit naman siya magwo-worry, di ba kapatid na Ervin?

Read more...