Mariel nag-iiyak sa b-day surprise ni Robin: Ikaw lang ang no. 1 ko!

robin padilla

Sinorpresa ni Robin Padilla ang asawang si Mariel Rodriguez sa 34th birthday nito last Aug. 10.
Sa kabila ng masamang panahon, talagang nag-effort si Binoe para hanapan ng maganda at masarap na cake ang asawa with matching flowers pa na ibinigay niya eksaktong 12 midnight.

Of course, tuwang-tuwa si Mariel at naging emosyonal pa sa sorpresa ng kanyang mister. Sa kanyang Instagram account, ipinost ng TV host-actress ang litrato nila ni Robin habang nagbo-blow siya ng cake.
Narito ang bahagi ng kanyang caption sa nasabing photo: “My birthday salubong!!! I was so emotional crying and crying because i realized it is my last birthday just the 2 of us.

I will miss us so much! “Of course i am happy…my goodness I can’t be happier with our blessing but at the same time i want to thank you for the 6 birthdays i had just us… the best 6 birthdays of my life!!! I love you so much! You will always be my #1!!!!”

Read more...