Vaness del Moral natatakot nang magpunta sa mall

vaness del moral

DUMARAMI na ang natatakot at naiinis sa karakter ni Vaness del Moral sa telefantasya ng GMA na Encantadia. Kaya naman minsan daw ay natatakot nang lumabas ng bahay ang Kapamilya actress dahil sa dami ng nagagalit sa kanyang karakter bilang Gurna na siyang nag-uudyok para maging masama si Pirena.

At kahit daw maraming fans ang nagagalit sa kanya, taos puso siyang nagpapasalamat dahil napapansin nilang epektibo ang kanyang pagganap. “Thank you so much guys dahil nabubuwisit kayo sa ‘kin. Actually natutuwa ako.

‘Pag pinapanood ko ‘yung character ko natatawa ako. Isang beses pa lang akong pumupunta sa mall simula nu’ng mag-start ‘yung Encantadia, grocery pa ‘yun,” sey ni Vaness. Nang tanungin kung handa na ba siyang harapin ang mga galit na fans kapag nakita siya ng mga ito in person, “Actually hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko.

Hindi ko sure kung paano ko siya iha-handle kaya so far, bihira talaga ako lumabas ng bahay lalo na kapag wala akong kasama. Usually kasama ko boyfriend ko para may magtatanggol sa ‘kin,” sagot ng magaling na kontrabida.

Read more...