Diaz inspirasyon ng mga atleta —Romero

Diaz

UMANI ng maraming tagahanga ang weightlifter na si Hidilyn Diaz matapos itong magwagi ng silver medal sa ginaganap na 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.
Isa na rito ang sports patron at 1Pacman party-list representative na si Mikee Romero.
“She personifies the indomitable spirit of a great warrior because she never quits,” sabi ni Romero patungkol kay Diaz. “She should inspire all of us, not only athletes, because a quitter never wins.”
Nais ni Romero na maging inspirasyon ng iba pang pambansang atleta si Diaz na nagpursige sa likod ng matinding kahirapan para lang makamit ang medalya at magbigay karangalan sa bansa.
Dahil dito ay pinarangalan ng Kongreso si Diaz sa pangunguna nina Romero at kapwa kongresista na sina Enrico Pineda, Ron Salo, Benhur Lopez, Sabiniano Canama, Teodoro Montoro, Salvador Belaro Jr., Vini Nola Ortega, Shernee Tan at Makmod Mending Jr.
Diaz’s win “affords great pride and honor to the country as it strives to produce better athletes out to conquer the world circuit,” nakasaad sa House Resolution No. 145 na kanilang ipinasa.
“Athletes should not stop learning because one defeat will not make you a failure. We must learn from our past mistakes, and from there, strategize well your goal just like what Diaz did,” dagdag naman ni Romero.
Hero’s welcome
Samantala, nilalatag na ngayon ng Malacanang at ng Philippine Sports Commission (PSC) ang hero’s welcome para kay Diaz sa Huwebes.
Sinabi ni PSC chairman Butch Ramirez na nakatakda ang signing ng memorandum of agreement sa pagitan ng ahensiya at ang korporasyon sa housing na 8990 DECA Homes ngayong Biyernes, Agosto 12, na eksakto para sa presentasyon sa pinakabagong bayani sa sports na si Diaz sa PSC office.
Ang house and lot ay ipinangako sa mga miyembro ng Team Philippines na mananalo ng medalya sa Rio.
Bukod sa bagong bahay ay tatanggap din ng P5 milyon si Diaz sang-ayon sa RA 10699 o ang National Athletes, Coaches and Trainers Benefits Act.
Ang mga atletang bigong manalo ng medalya ay makakatanggap diin ng token incentives mula sa korporasyon.
Dagdag pa ni Ramirez, susuportahan ng PSC ang pangarap ni Diaz na makapagtayo ng isang weightlifting gym sa Zamboanga City para makatulong sa mga batang nais maging weightlifter na katulad ni Diaz. —Angelito Oredo

Read more...