Horoscope, August 10, 2016 | Bandera

Horoscope, August 10, 2016

Madam Sophia - August 10, 2016 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pagiging matuwid at may mabuting puso, tuloy-tuloy ang pag-asenso at tagumpay. Ngayong Agosto hanggang Disyembre, kusa nang dadami ang pera. Sa pag-ibig, sa isang Sagittarius ka makasusumpong ng masarap na romansa. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kurvan-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pagiging tapat, mas malaking pag-unlad ang makakamit. Sa pag-ibig, kapag pinaglilihiman mo ang kasuyo ay hindi rin magiging maligaya ang relasyon. Paano kung bigla niyang mabisto ang iyong sikreto? Mapalad ang 5, 18, 27, 35, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Certum-Est-Om.” Beige at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Ang samaan ng loob ang magtutulak palayo sa salapi. Manatiling mahinahon upang patuloy na pumasok ang pera at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, unawaing lagi ang kasuyo sa kanyang pagkukulang upang manatiling buo ang pagmamahalan. Mapalad ang 4, 13, 23, 39, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Om.” Red at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Ngayon pa lang paghandaan na ang kapaskuhan. Magtipid! Sa pag-ibig at pinansyal, ngayon pa lang paunti-unti nang bumili ng mga ipangreregalo sa panahon ng kapaskuhanpara pagdating ng Holiday Season ay konti na lang ang gagastusin mo. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om” Blue at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Kung hindi magawang tanggihan ang pang-aabala ng mga kaibigan, kailangang pagkaperahan mo sila. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na relasyon sa isang nilalang na isinilang sa buwan ng Enero. Mapalad ang 8, 15, 19, 23, 29, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Green at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Walang mangyayari sa tsismis, iukol ang oras sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mag-combine force kayo ng kasuyo sa negosyong may kaugnayan sa pagkain upang mas mabilis na umunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 7, 19, 23, 34, 40 at 47. “Aum-Minna-Aum-Galla.” Yellow at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Mag-ingat sa isang Leo, may babala na raraketin at lokohin ka na naman niya. Sa pag-ibig, iwasan makisawsaw sa mga relasyong imoral. Mapalad ang 5, 16, 23, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Viribus-Candor.” Gray at gold ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Venus ang planeta ng Libra. Ibig sabihin, lagi ka lang magpaganda at magpa-sexy, susuwertehin ka na, kaya’t dapat lang ituloy ang plano na pagsu-zumba. Sa pag-ibig, ang pagpapa-sexy pa rin ang susi upang lalo pang sumarap ang pagtatalik. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahwiaga mong mantra: “Aum-Mahatha-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa susunod na mga araw, maraming kakaibang suwerte ang darating. Sa sandaling sumapit ang buwan ng Setyembre ay mas maraming biyaya ang kusang makakamit. Mapalad ang 2, 7, 20, 29, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilan-Om-Bastan.” Green at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ipatupad na ang “Operation Malawakang Pagtitipid” upang mas madali kang umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, wag magpaimpluwensya sa kasuyong bulaksak, mauubos lamang ang iyong salapi sa walang kapararakang bagay. Mapalad ang 8, 14, 23, 32, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Kapag maliit ang kumot matuto munang mamaluktot.” Yellow at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Walang ibang maasahan ang mga mahal sa buhay kundi ikaw. Maluwag sa loob na tumulong at magbigay. Sa pag-ibig, balanseng pagtingin ang dapat sa kasuyo at sa iyong mga kadugo para walang away at maiwasan na rin ang intriga. Mapalad ang 1, 8, 27, 33, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Om.” Maroon at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, hanapin ang mga dating kaibigan at sa kanila ka humingi ng advice. Kusang lalago ang kita kung muli kang lalabas ng bahay at makikiumpok sa mga gawaing may kaugnayan sa politika. Mapalad ang 4, 8, 17, 24, 39, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Yellow at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa pinansyal, isang Capricorn ang magpapautang ng malaking halaga. Sa pag-ibig, magiging magulo na naman ang relasyon dahil sa problemang pampinansyal, dagdag na panalangin at maghanap uli ng bagong mauutangan ang dapat. Mapalad ang 4, 15, 23, 32, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhagava-Om-Githa.” Silver at magenta ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending