Vice-Coco 2016 MMFF entry hindi pa sinisimulan, aabot kaya sa deadline?

vice ganda at coco martin

Photo courtesy of cocomartin.ph

HINIHINTAY na lang daw ni Binibining Joyce Bernal ang script ng pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin para makapagsimula na silang mag-shoot ngayong linggo dahil kailangang ihabol nga ito sa deadline ng 2016 Metro Manila Film Festival.

Modern family daw ang concept ng pelikula, sabi ni direk Joyce na si Allan Habon ang sumulat ng script. Sabi ng direktor, “Hindi ko kilala si Allan, pero binanggit nila lahat ang works niya, like ‘yung ‘Turkey Man Ay Pabo Rin’. Maganda naman ‘yung storyline, kaya hinihintay ko ang script bago kami magsimula sana this week,” kaswal na sabi sa amin.

Ang “Turkey Man Ay Pabo Rin” ay entry sa 2013 CineFilipino Film Festival na pinagbidahan ni Tuesday Vargas.

Sana raw ay walang maging aberya para masimulan na nila ang shooting ng pelikula kung saan makakasama rin sina Onyok, Mac Mac at Benny ng Ang Probinsyano, “Oo kasi October 31 na ang deadline ng MMDA, di ba?” sabi ni direk Joyce.

First time makakatrabaho ni direk Joyce sina Vice at Coco kaya ano ang pakiramdam niya, kabado ba siya o ang dalawang prime artists ng ABS-CBN ang dapat kabahan sa kanya? “Ha-hahaha! Both,” tumawang sabi ni direk.

Samantala, tinanong din namin si direk Joyce kung bakit hindi siya ang magdidirek ng pelikula nina Piolo Pascual at Yen Santos na kukunan sa New Zealand at produced ng Regal Films, Spring Films at Star Cinema.

Isa kasi si direk Joyce sa bumubuo ng Spring Films, “Hindi ko naman project ‘yun at saka si direk Dondon (Santos) ang sumulat kaya hindi ako kasali. Support lang ako ro’n.”

Bakit nga ba New Zealand ang napiling location ng pelikula, “Kasi kukunan doon ‘yung eksenang Dancing With The Stars. Saka doon naka-base si Piolo sa kuwento as immigrant yata tapos si Yen do’n din nagwo-work.”

Read more...