Duterte: Travel ban sa mga tax evaders

DAVAO CITY – Pay your taxes or you won’t be able to travel.

‘Yan ang warning ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tama kung magbayad ng buwis.

“If you are a violator, mayaman ka (you’re rich) and you travel, you cannot  travel anymore,” pahayag ni Duterte sa press conference Lunes ng gabi.

“I will tell the immigration ‘stop him kasi may violation yan,’” dagdag pa  ng pangulo.

Sinabi rin ni Duterte na aatasan na rin niya ang Bureau of Internal Revenue na sampahan ng kaso ang mga negosyante na patuloy na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

“Once it’s pending in court, your freedom of movement is (restricted),” dagdag pa nito, kasabay nang pagsasabi na ituturing ang mga ito na mga ordinaryong kriminal na hindi maaaring makapag-travel sa ibang bansa.

“It’s always a crime if you do not pay your tax correctly. But if you pay what was assessed, I tell you that you will have no problem,” paliwanag nito.

Una nang sinabi ni Duterte na magpapadala siya ng mga pulis sa bahay ng mga negosyanteng hindi nagbabayad ng tamang buwis.

“I ask media to accompany the police,” dagdag pa nito. “The police will go there to ask why are you not paying proper tax.”

Wala naman daw dapat ikatakot ang mga negosyanteng tapat magbayad ng kanilang buwis.

Read more...