James Reid maraming tinanggihang proyekto kahit milyones ang bayad

nadine lustre at james reid

BIBILIB ka talaga sa ginagawang “pagbebenta” ng ABS-CBN sa tatlong pinakasikat nilang loveteams ngayon.

Sa nalalabing tatlong linggo ng Dolce Amore nina Liza Soberano at Enrique Gil, i-expect na nating sa ibang medium naman sila mapapanood before the year ends.

Mukhang ang Till I Met You nina James Reid at Nadine Lustre ang papalit sa timeslot ng LizQuen series na this early nga ay nangangamoy success agad. In work mode pa rin ang JaDine na kahit paano ay nakapagbakasyon din nang bonggang-bongga.

Hindi nga ba’t may tsika pang tinanggihan ni James ang ilang projects na dumating sa kanya kesehodang milyones ang talent fee dahil nakabakasyon mode na nga siya when the offers came.

At yun nga, sa pag-level-up naman ng KathNiel sa “Barcelona”, asahan daw nating papasok na sila sa klase ng tambalan na mas angat na sa pa-tweetums at pakilig lang.

Hmmmm, pinaghati-hatian na nga nila ang apat na quarters ng taon to remain as the most popular and most bankable loveteams in the country.

Read more...