Luis basag na basag dahil kay Jessy; Ate Vi pinayuhang kausapin ang anak | Bandera

Luis basag na basag dahil kay Jessy; Ate Vi pinayuhang kausapin ang anak

Cristy Fermin - August 09, 2016 - 12:10 AM

vilma santos at luis manzano

NANINIWALA si Congresswoman Vilma Santos na nasa wastong edad na ang anak niyang panganay na si Luis Manzano para malaman ang tama at mali.

Matalino ang aktor-TV host, kayang-kaya na nitong manehohin ang kanyang buhay at career, pero maraming nagpapayo sa Star For All Seasons na kausapin na niya nang seryoso ngayon ang kanyang panganay. Sa mga nakaraang pakikipagrelasyon ni Luis ay wala namang ganitong senaryo. Nahahawakan nang maayos ni Luis ang kanyang lovelife.

Pero mula nang maging sila na ni Jessy Mendiola ay marami nang namba-bash sa aktor-TV host, ito kasi ang sumasagot sa mga bashers ng kanyang karelasyon, kaya ito ang napupuruhan. Ayon sa isang source na nakausap namin, “Malaki ang tiwala ni Cong. Vilma kay Luis, lumaki naman kasing independent-minded ang anak niya. Hanggang sa pangaral lang ang mommy niya, ganu’n lang.

“Pero kailangan na niyang kausapin si Luis ngayon, hindi na maganda ang mga nangyayari, nadadamay si Luis sa kanegahan ng girlfriend niya. Siya ang nauupakan nang husto habang nakatawa lang si Jessy na kung tutuusin, e, dapat na humaharang sa mga bira sa kanya.

“Konting payo lang kay Luis, ‘yun lang ang puwedeng gawin ni Cong. Vilma sa kanya, para naman hindi siya ang napupuruhan. Basag na basag na ang image ni Luis, hindi naman nangyari sa kanya ang ganito nu’ng wala pa si Jessy,” payo ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending