KUNG totoo yung intelligence reports sa kanila, ang mga opisyal na idinawit ni Pangulong Digong sa droga, dapat sinalvage na rin sila gaya ng mga small-time drug pushers.
Daan-daan na ang mga napatay ng mga pulis at vigilantes na drug pushers.
Ang pagkakaiba lang ng mga small-time drug pushers sa mga opisyal sa “Duterte Drug List” ay ang pribilihiyo ng mataas na puwesto sa lipunan.
Pareho lang ang mga opisyal na ito sa mga drug pushers dahil sinira nila ang milyon-milyong buhay. There are an estimated three million drug addicts in the country.
Hindi sapat ang pagpapahiya sa kanila sa publiko sa ginawa nilang pagsira ng milyon-milyong buhay. Dapat sa kanila ay isalvage din.
Sila rin ang ugat ng pagtaas ng kalunos-lunos at kahindik-hindik na krimen sa bansa.
Sinong matinong tatay ang makakagawa na gahasain ang kanyang anak na babae kundi yung nasa impluwensiya sa pinagbabawal na gamot? Sinong matinong tao ang manggagahasa ng 75-anyos na lola at pagkatapos at patayin ito kundi ang isang lalaki na langog sa shabu?
***
Kung papatulugin ni PNP Chief Rolando “Bato” dela Rosa ang mga mayors at judges sa Duterte Drug List sa kanyang official residence sa Camp Crame, gaya ng ginawa niya kay Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte, tiyak na dudumihan nila ang “White House.”
Umangal si Bato na nangamoy upos at usok ng sigarilyo ang pinagtulugang kuwarto ni Espinosa at kanyang pamilya.
Ewan kung bakit naman pinatulog ni Bato ang pamilya ni Espinosa sa kanyang quarters, samantalang marami naman silang pera na makabayad sa five-star hotel.
Anyway, kapag patutulugin ang mga judges at mayors sa White House, mas bababuyin ang official residence ng PNP chief.
Mantakin mong magsisiksikan sila na parang mga sardinas sa White House.
Mangangamoy tae at ihi ang Bahay ni Bato dahil tatae at iihi kung saan-saan ang mga yan.
Ang mga taong alam nilang malapit na silang mamatay ay tatae at iihi ng madalas. May tatae at iihi pa sa kanilang mga pantalon.
Magmimistulang mga hayop ang mga ito.
Kunsabagay asal-hayop naman talaga sila dahil sa pagsira nila ng buhay ng milyon-milyong katao.
***
Si Jesus Celeste, a.k.a. Boying, na nasa Duterte Drug List, ay hindi na mayor ng Bolinao, Pangasinan.
Siya ay congressman na ng first district ng Pangasinan.
Nakaligtaan ni Presidente Digong ang pangalan ng kapatid ni Congressman Celeste, na si Arthur, mayor ng Alaminos City.
Ang magkapatid na Celeste ang na-blind item ng column noong Sabado.
Ang mga Celeste ay walang visible means of income kundi sa droga, ayon sa aking source na taga Bolinao.
***
Nang pinagagalitan ni Director General Bato ang mga pulis na idinawit ni Mano Digong sa droga, para na ring pinagagalitan ng taumbayan ang mga pulis.
Nang pinagmumura ni Bato ang mga pulis na drug protectors, para na ring minumura ng taumbayan ang mga ito.
Sana’y murahin din ni Bato ang mga pulis na sangkot sa ibang krimen at yung mga walang ginagawa kundi magkamot o magkalikot ng kanilang mga bayag o tinggil.