'Nakakaiyak at nakakatakot na ang walang tigil na patayan!' | Bandera

‘Nakakaiyak at nakakatakot na ang walang tigil na patayan!’

Jobert Sucaldito - August 09, 2016 - 12:30 AM

duterte

NAKA-FOCUS talaga ang pangulo nating si Digong Duterte sa pag-eradicate ng drug addicts sa bansang ito – that’s good to note.

Pero malungkot lang isiping ang tanging paraang naisip yata niya at ng kampo niya para sugpuin ito ay sa pamamagitan ng pagpatay sa kanila. Marami-rami na rin ang nabibiktima nito – some are just suspected pero pinagpapatay na. Marami kasi sa kapulisan ang lumakas ang loob na pumatay, suspected addict or pusher pa lang ay pinapaslang na.

Katwiran ng iba ay nanlaban sa kanila during raids and encounters. Kaya malakas ang loob nila dahil sabi nga ni Pres. Digong ay sagot nito ang ginagawa nila. And a lot of our kababayans agree kaya lalong nakakatakot ngayong tumira sa bansa natin. Hindi na kasi sila natatakot sa Diyos – ang pagpatay sa kanila ay parang ordinaryo na lang.

Para lang silang kumakatay ng aso o manok. Malas mo at ng pamilya mo pag nabiktima ka nila. Pati Simbahang Katoliko ay hindi na nila iginagalang, binabastos na nila. Hinahanapan nila ng mga butas para masira sa taumbayan ang kaparian. Sila na ang nag-diyos-diyosan. The small suspects are dead – the big ones are still very much around, so alive. Patayan dito, patayan doon – mura rito, mura roon – wala nang pinipiling lugar at okasyon.

Nakakaiyak dahil parang wala tayong choice, hindi mo alam kung saan ka lulugar ngayon. Baka pag sinalungat mo ang opinyon nila ay pag-initan ka ng pamahalaan. Baka bukas-makalawa ay nakabulagta ka na rin.

Ang dasal ko lang ay maging maayos lahat, na sana’y mabigyan ang mga drug addicts ng pagkakataong mag-reform, na magbago. Hindi agad-agad pinapatay. Pahalagahan sana natin ang buhay ng kapwa natin, bigyan ng second chance pag nagkamali. Everybody deserves a second chance, di ba?

Yes, change has truly come. Who doesn’t want change anyway lalo pa’t for the better? But what kind of change are we seeing now? Puro patayan na lang ba? We are all here to help our new president sa mga advocacy niya para ma-achieve natin ang natatanging hangarin ng lahat – ang pagkakaroon ng magandang buhay sa bawat isa sa atin sa legal na pamamaraan.

Pero sana ay igalang natin ang buhay ng bawat isa sa atin. Ang DIYOS lamang ang may karapatang bawiin ang buhay ng tao, hindi ang kapwa natin. Sana ay huwag namang gawing kaswal ang pagpatay sa mga nagkakasala – parusahan nang tama. Imbestigahan at pag napatunayang nagkamali, ikulong pero huwag namang patayin. Ito’y suhestiyon lamang, salamat kung pakikinggan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending