Pirena babalik na sa Encantadia para maghasik ng lagim

By Ervin Santiago August 09,2016
share this

Pirena babalik na sa Encantadia para maghasik ng lagim

By Ervin Santiago August 09,2016
share this

glaiza de castro

NARITO ang kailangan n’yong abangan tonight sa pagpapatuloy ng Encantadia sa GMA Telebabad after 24 Oras. Dahil sa pagpanaw ni Minea (Marian Rivera), tinupad na ni Arde ang ipinangako niyang kalayaan kay Adhara (Sunshine Dizon). Makakabalik na siya sa Encantadia.

Babalik din si Pirena (Glaiza de Castro) sa Lireo at hihingi ng tawad sa kanyang mga kapatid na Sang’gre, hindi makakaimik sina Amihan (Kylie Padilla) sa akalang totoong pagbabalik-loob ng kapatid.

Tutol man si Danaya (Sanya Lopez), napagdesisyunan na ni Amihan na tanggapin muli si Pirena sa Lireo alang-alang sa namayapang ina.

Dahil sa masamang kutob ni Danaya kay Pirena, agad niyang niregaluhan ang tagapagmanang si Lira ng kapangyarihang maprotektahan ang sarili laban sa kahit anumang masamang gagawin sa kanya ni Pirena. Maghahandog rin si Alena (Gabbi Garcia) kay Lira ng kapangyarihang maging mabuti at matapang.

Para makasiguro si Amihan sa intensyon ni Pirena, hihilingin niya na isuko ni Pirena ang brilyante ng apoy, at maibabalik lamang kung napatunayan na ni Pirena ang sarili. Ibibigay ito ni Pirena kahit inis na inis na siya.

Nakabalik na si Adhara (Sunshine) sa Encantadia pero isa lang siyang kaluluwa at walang katawan. Sinabihan siya ni Arde na babalik lang siya sa pisikal na anyo kung hihigop siya ng mga buhay ng mga mabubuting engkantado.

Naiinip na si Hitano (Pancho Magno) sa paghihintay na makuha niya ang puso ni Alena…determinado na si Hitano na gumawa ng paraan para hindi na mamagitan si Ybarro sa kanila ni Alena. Pagpapalitin ni Pirena ang anak nila ni Amihan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending