Croatia ginulat ang Spain | Bandera

Croatia ginulat ang Spain

Dennis Christian Hilanga - August 08, 2016 - 04:35 PM
spain vs croatia Ginulat ng Croatia ang Spain upang ibulsa ang gitgitang 72-70 tagumpay sa Rio Olympics men’s basketball Group B preliminary round game sa Carioca Arena 1 sa Rio de Janeiro, Brazil Linggo ng gabi (Lunes ng umaga sa Pilipinas). Isang butata ang ibinigay ni Dario Saric, naglalaro rin para sa NBA team na Philadelpia 76ers kay Pau Gasol para sana sa panablang inside shot ng huli para sa mga Espanyol subalit mas nanaig ang matinding depensa ni Saric para nakawin ang upset win ng koponan. Ang Croatia ang nagwagi sa Turin Olympic Qualifying Tournament nitong Hulyo matapos tibagin ang host country Italy sa overtime, 84-78, kung saan si Saric ang tinanghal na Finals MVP na nagtala ng 14 puntos, 10 rebounds at 2.2 assists average. Naglista si Brooklyn Nets guard Bojan Bogdanovic ng 23 puntos para sa Croatia habang nagtulong naman sina Darko Paninic, Krunoslav Simon at Saric para sa pinagsamang 26 marka para sa nanalong koponan. Mayroong 26 puntos si NBA veteran at two-time champion Gasol na kasalukuyang maglalaro sa San Antonio Spurs samantalang si Nikola Mirotic ay nagdagdag ng 19 markers para sa Spain. Matatandaang ang Spain ang silver medalist sa nakalipas na dalawang Olympiada sa likod ng USA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending