Alden, Maine 3 araw mawawala sa Eat Bulaga, rarampa sa Morocco

maine mendoza at alden richards

TURKEY pala ang una sanang destinasyon nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa pictorial ng isang sosyal na magazine. Pero tumanggi rito ang management ng phenomenal star kaya sa Morocco na ito gagawin ‘yon.

Naka-post nga sa Instagram account ng fans ng dalawa ang anim na piraso ng luggage na dala ng idolo niya sa biyahe. Absent sila sa Eat Bulaga kahapon pero three days lang silang mawawala sa noontime show.

Bago umalis, naging bahagi si Alden ng renewal of vows ng kanyang lolo at lola.

Samantala, tuwang-tuwa naman ang mga fans ni Maine after mag-comment si Angel Locsin sa ipinost na picture ng phenomenal star sa Instagram.

Pinuri kasi ni Angel si Maine at sinabihan ng “pretty” with matching smiley pa. Talagang todo pasalamat ang mga AlDub fans kay Angel dahil sa gesture nito.

Read more...