2019 SEA Games hindi gagawin sa Davao

HINDI sapat ang pasilidad ng Davao City at sa katabi nitong Tagum, Davao del Sur at Davao del Norte na napipisil gawing main hub at satellite venue ng Pilipinas na iho-host ang 2019 Southeast Asian Games.

Iniulat ito ng grupo ng Philippine Sports Commission (PSC) na nagtungo sa mga nasabing lugar upang bisitahin at magsagawa ng inspeksyon sa mga pasilidad na maaaring pagganapan ng mga sports event na paglalabanan sa pagsasagawa sa bansa ng kada dalawang taong torneo.

“There are a lot of venues that can accommodate the regular sports to be played in the SEA Games,” sabi nina PSC Commissioner Arnold Agustin at Charles Maxey. “Problem is the time of travel in going to these three venues which takes a lot of time.”

Natukoy nina Agustin at Maxey ang lugar ng University of the Philippines-Mindanao na kasalukuyan pa rin ginagawa ang sports facility pati na ang bagong gawa na Quibuloy Sports Complex at mga mall sa siyudad.

“UP-Mindanao is a good venue but it is still being built. Six phase iyon and they are still on the first phase so hindi natin alam kung makukumpleto by 2019,” sabi ni Agustin.

Maaari naman gawin ang taekwondo, chess, basketball at bowling sa ilang malls habang ang basketball ay puwedeng gawin sa 75,000-seater na Quibuloy Sports Complex. Ang track and field events ay posibleng gawin sa UP-Mindanao gayundin ang aquatics, badminton at volleyball.

Maganda naman ang konsepto na inilalagay sa binubuong sports complex sa UP-Mindanao tampok ang indigenious at tribal theme, ayon pa kay Maxey.

Isa pa rin malaking problema ay ang accommodation para sa inaasahang lalahok na 10,000 atleta at opisyales dahil sa kawalan ng matitirahang mga makabagong hotel.

“So Manila is still the best option,” sabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez.

Ito ang ikaapat na pagkakataon na magho-host ang Pilipinas sa pangrehiyong torneo kung saan una itong nag-host noong 1981 at pumangatlo sa pangkalahatan. Muli itong nag-host noong 1991 kung saan kinapos ito ng isang ginto para pumangalawa at noong 2005 kung saan tinanghal itong kampeon.

Read more...