Coco, Angel todo suporta sa Cinemalaya 2016; pinagkaguluhan sa gala night

 

ANGEL LOCSIN AT COCO MARTIN

ANGEL LOCSIN AT COCO MARTIN

TUWANG-TUWA ang mga nagpunta at nanood ng mga entry sa Cinemalaya 2016 sa Cultural Center of the Philippines noong Sabado ng gabi dahil nandoon din sina Coco Martin at Angel Locsin para sumuporta sa mga pelikulang Pilipino.

Naroon si Coco para suportahan ang entry ng kanyang kapatid na si Ronwaldo Martin na isa sa mga bida ng “Pamilya Ordinaryo.” Gumaganap itong snatcher para buhayin ang kanyang girlfriend at isang anak.

Siyempre, very proud si Coco sa kanyang utol na umani ng papuri sa mga viewers. Ayon pa sa Teleserye King, ipinagdarasal niya na magkasama sila ng kapatid sa isang proyekto very soon.

Samantala, dumalo naman si Angel kasama si Nino Barbers, anak ni dating Sen. Robert Barbers, sa gala screening ng Cinemalaya entry na “I America” starring Bela Padilla.

Tungkol naman ang pelikula sa isang anak ng prostitute sa Amerikanong sundalo. Gagawin niya ang lahat para matupad ang ultimate dream niyang makapunta sa US. Bukod sa mga nanood at pumuri sa “I America”, nagpasalamat din si Bela sa pagsuporta ni Angel sa kanila.

In fairness, dahil sa pagdalo nina Coco at Angel sa gala night ng dalawang pelikula, mas lalong nagning-ning ang 2016 Cinemalaya. Sana nga, mas marami pang sikat na celebrities ang sumuporta rito para kumita pa nang bonggang-bongga ang taunang independent film festival.

 

Read more...