Claudine may bagong kaaway, nagbabanta ng ‘giyera’

 

 

SI Raymart Santiago ba o si Gretchen Barretto ang pinatatamaan ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram post kamakailan tungkol sa isyu ng second chances?

Mukhang handa na namang makipaglaban ang aktres sa sinumang tinutukoy niya sa latest IG message niya last Saturday night.

Ani Claudine, “Sometimes, giving someone a se-cond chance is like giving them an extra bullet for their gun, because they missed you the first time. So true… No more chance for you.”

Gumamit pa ng hashtag si Claudine na “some things don’t change at all” at “let the battle begin again” na tila naghahamon ng demandahan.

Sino nga kaya ang kaaway ni Claudine? Wait na lang tayo sa susunod na pasabog ng aktres.

Read more...