‘Ang epal-epal ni Mocha! ano’ng alam niya sa gobyerno!?

mocca

GRABE na raw kung umepal itong sexy singer na si Mocha, hindi lang pagiging singer ang inaatupag ng hubaderang performer na ito kundi pati ang pagiging reporter o media person.

Ang ipinagyayabang daw nito ay ang kaniyang 4 million followers ng kayang blog kaya feeling niya ay puwede na siyang maging social media officer sa pamahalaang-Duterte.

Naibalita recently that she was appointed as social media consultant ng Bureau of Customs. Ayon sa balita noong una ay in-assign o in-appoint daw siya ni Commissioner Faeldon as such sa BOC pero nang tumanggap ito ng libu-libong batikos at panlalait ay bigla itong binawi.

Hindi naman daw totoong in-appoint siya as social media officer ng BOC pero nag-volunteer lang daw itong si Mocha to help sa implementation of information regarding this government agency using her blog.

“Ang epal-epal niya. Anong alam niya sa gobyerno? Inggit na inggit kasi siya dahil ang ibang mga showbiz friends niyang nag-campaign for Duterte ay binigyan ng posisyon sa pamahalaan. Paano nga naman siya – saan siya ilalagay? Puwede siya sa LTO siguro para mapalitan na ang pangalan niya as Mocha Usok instead of Uson, di ba? Ha! Ha! Ha! Ilusyunada!

“Baka akala niya ay malayo na ang narating niya sa showbiz. Kalokang babae ito. Kung ako sa kaniya, maghubad na lang siya nang todo sa mga shows niya para mapakinabangan siya ng mga lalaking uhaw sa laman,” talak ng isang netizen.

Ayaw kong mag-comment. Ayokooooooooo!!!!!!!!!

Read more...