Hindi na Virgin ang Girlfriend (2) | Bandera

Hindi na Virgin ang Girlfriend (2)

Joseph Greenfield - August 08, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Renz ng Sto. Nino, SFDM,  Quezon City
Problema:
1. Sa darating na September 25 mag-iisang taon na sana ang relasyon namin ng ng girlfriend ko hanggang sa isang araw may inamin siya sa akin na hindi na daw siya virgin. May nakauna na daw sa pag-kababae nya at ito raw ang naging first boyfriend nya sa kanilang probinsya, kaya pala noong nagtalik kami ay hindi siya dinugo.
2. Kaya sa ngayon nali-lito at nanghihinayang ako kasi mahal na mahal ko po siya at siya pa lang ang unang naging girlfriend ko at siya na rin sana ang gusto kong mapangasawa ang kaso hindi na siya virgin. Paano kaya ito, kung halimbawang siya ang makakatuluyan ko, hindi kaya argabyado naman ako at hindi gaanong magiging maligaya dahil ang gusto kong mapangasawa ay isang babaing virgin? Ano po ba ang dapat kong gawin, iwasan ko na siya o hayaan ko lang kung talagang kami ay kami? August 25, 1994 ang birthday ko.
Umaasa,
Renz ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ayon sa zodiac sign mong Virgo (Illustrion 2.) ang nagsasabing kung Taurus ang zodiac sign ng girlfriend mo compatible kayo. Ibig sabihin, walang kaugnayan ang virginity sa pagiging magka-compatible nyong dalawa kung saan, dahil nga tugma kayo malaki ang tsansa na kayo na ang magkakatuluyan sa ayaw at sa gusto mo.
Numerology:
Samantala ayon sa birth date mong 25, kung 2, 11, 20 o kaya’y 29 ang birth date ng girlfriend mo tulad sa astrology tunay ngang tugma at compatible kayo. Ibig sabihin dahil tugma kayo sa numerology at astrology, sa bandang huli kayo na nga ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Huling payo at paalala:
Renz ayon sa iyong kapalaran kahit na hindi virgin ang kasalukuyan mong girlfriend, wala ka ng magagawa, dahil tulad ng nasabi na, kayo na nga ang itinakda ng tadhana upang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habambuhay na pamilya na nakatakdang mangyari at maganap sa taon ding ito ng 2016, sa buwan ng Disyembre sa panahong lumalamig na ang paligid at papalapit na ng papalapit ang kapaskuhan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending