8 opisyal sumuko kay Bato

bato-dela-rosa1

SUMUKO kay Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa ang walong opisyal mula sa Maguindanao na idinawit ni Pangulong Duterte sa droga.
Ayon sa ulat, lumipad patungong Maynila ang mga opisyal, na ineskortan ng mga pulis sa kanilang pagsurender kay dela Rosa sa Camp Crame.
Naispatan si Ampatuan Mayor Rasol Sangki sa opisina ni dela Rosa kasama ang pito pang opisyal, ilang oras bago pangalanan ni Duterte ang mga local government officials na umano’y protektor ng bentahan ng droga sa kani-kanilang mga lugar.
Bukod kay Sangki, sumuko sina Mayor Montasir Sabal ng Talitay, Mayor Vikman Montawal ng Datu Montawal, Mayor Samsudin Dimaukom ng Datu Saudi Ampatuan, Mayor Norodin Salasal ng Datu Salibo, Vice-Mayor Abdulwahid Sabal ng Talitay, Vice Mayor Oto Montawal ng Datu Montawal, Vice Mayor Nida Dimaukom ng Datu Saudi Ampatuan.

Read more...