Magkakatotoo kaya ang pangarap na makapag-Dubai? (2)

Sulat mula kay Anna ng Cherry Blossom Village, Tambo, Iligan City
Problema:
1. Ako ay kasalukuyang namamasukanb bilang katulong pero pansamantala lang ako sa aking amo dahil sa kasalukuyan ay may aplay po ako sa Dubai bilang D.H. Ang problema sa ngayon mag-isang buwan na ko naghihintay, pero wala pa rin silang tawag. Nag-follow-up na rin ako sa agency na pinag-aplayan ko at ang sabi ay pipoproseso na daw ang mga papeles ko.
2. Sa ngayon ay naiinip na ako dahil yong ibang mga kasabayan ko ay naka-alis na. Itatanong ko sana Sir Greenfield kung matutuloy na kaya ako sa pangalawang subok ko na ito na makapag-abroad? Ito na lang kasi ang naiisip kong paraan upang maiahon ko sa kahirapan ang aming pamilya? At magkakaroon kaya ako ng mabait na amo? June 10, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Anna ng Negros
Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ay nagsasabing sa buwa ng Setyembre hanggang Oktubre, tiyak ang magaganap, tatawagan ka na ng agency na pinag-aplyan mo upang ihanda ang iyong sarili sa nalalapit mong pag-aabroad sa Dubai.
Numerology:
Ang birth date mong 10 ay nagsasabing sa umpisa, medyo mahihirapan ka sa iyong trabaho, pero pag lipas ng isa o dalawang buwan, madali na sa iyo ang trabaho at sa panahong iyon, dahil matiisin ka at masipag magugustuhan ka ng lalaki mong amo, kaya mas madaling kang uumentuhan ng suweldo.
Luscher Color Test:
Basta’t lagi ka lang magsusuot ng kulay na dilaw, gray at berde, tulad ng nasabi na pagpasok na pagpasok ng buwan ng Setyemnbre tuloy-tuloy ka ng susuwertehin at habang umuusad ang panahon, lalo pang gaganda ang iyong kapalaran sa pangingibang bansa.
Huling payo at paalala:
Anna ayon sa iyong kapalaran, walang duda, bigla kang tatawagan ng agency mo sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Setyembre o kaya’y Oktubre kung saan, sa edad mong 28 pataas makapag-aabroad ka at ang nasabing pangingibang bansa, ang siya na ring magiging simula ng iyong malaking suwerte, hanggang sa maiahon mo sa kahirapan ang inyong pamilya, hanggang sa tuloy-tuloy na rin kayong umunlad at sumagana.

Read more...