3 alkalde sumuko, pagtutulak inamin

bato86

SUMUKO kahapon kay National Police chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa ang tatlong mayor na kabilang sa listahan ng mga lokal na opisyal na sangkot sa droga.
Inamin nina Maguing, Lanao del Sur Mayor Mamaulan Abinal Molok, dating Marantao, Lanao del Sur Mayor Muhammad Ali Abinal at Ampatuan Mayor Rasul Sangki na dati silang mga tulak ng droga.
“They already decided na magbagong buhay, at tumulong sa problema sa droga. Why run if you can help?” sabi ni dela Rosa.
Nauna nang sinabi ng Palasyo na nakatakdang pangalanan ni Duterte ang 27 mayor at iba pang lokal na opisyal na protektor ng droga.
“Talagang involved sila kaya sila nag-surrender,” dagdag ng opisyal.
Sinabi pa ni dela Rosa na inaasahang marami pang susukong opisyal, lalo at nag-utos na ng shoot-to-kill order laban sa kanila si Pangulong Duterte.

Read more...