INAPRUBAHAN ng Korte Suprema ang probisyunal na kalayaan ng tatlong matataas na lider komunista, kabilang na sina Satur Ocampo, Vicente Ladlad at Randall Echanis para makadalo sila sa usapang kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines (CPP) na nakatakda ngayong buwan sa Oslo, Norway.
“The provisional liberty of Saturnino C. Ocampo, Randall B. Echanis, and Vicente P. Ladlad under their respective cash bonds is hereby confirmed,” sabi ng resolusyon ng Kataastaasang Hukuman na ipinalabas kahapon.
Niliwanag naman ng korte na layunin lamang ng pansamantalang kalayaan na makadalo ang mga komunistang lider sa pormal na pagbubukas ng usapang pangkapayapaan simula ngayong buwan hanggang anim na buwan.
“Once their participation ceases or the peace negotiations are terminated, their respective bonds shall be deemed automatically canceled,” dagdag ng SC.
Itinakda naman sa P100,000 kada isa ang cash bond ng tatlong lider ng komunistang grupo.
MOST READ
LATEST STORIES