Perpetual Help Altas nakubra ang ika-5 sunod panalo

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
12 n.n. Lyceum vs Letran
2 p.m. San Beda vs San Sebastian
4 p.m. JRU vs Arellano
Team Standings: San Beda (7-0); Perpetual Help (7-2); Arellano (6-2); Letran (5-2); Mapua (5-3); JRU (3-4); Lyceum (3-5); EAC (3-6); San Sebastian (1-7); St. Benilde (0-9)

ITINALA ng University of Perpetual Help Altas ang ikalimang sunod nitong panalo matapos na gulantangin ang Mapua Institute of Technology Cardinals, 71-51, sa unang ikot ng eliminasyon ng 92nd NCAA seniors basketball tournament Huwebes sa The Arena sa San Juan City.

Nilimitahan ng Altas sa walong puntos lamang sa unang yugto at sampu sa ikalawa ang Cardinals upang kontrolin ang kabuuan ng laban tungo sa pagsungkit nito sa solong ikalawang puwesto sa bitbit na 7-2 panalo-talong karta.

Pinamunuan ni Gab Dagangon ang Perpetual Help sa pagtala ng team-high 20 puntos kasama ang 11 rebounds, 2 assists, 2 steals at 1 block habang nag-ambag si Bright Akhuetie ng 11 puntos, 12 rebounds at 1 assist.

Samantala, pinaganda ng Emilio Aguinaldo College Generals ang kanilang kartada sa pagsungkit sa ikatlo nitong panalo matapos talunin ang College of St. Benilde Blazers, 76-56, sa unang laro.

Nahulog ang Blazers sa ikasiyam nitong sunod na kabiguan.

Sa bakbakan sa juniors ay nagwagi ang Mapua kontra Perpetual Help sa iskor na 100-76 habang wagi rin ang CSB-La Salle Greenhills kontra EAC, 87-74.

Bitbit ngayon ng Mapua ang 6-2 karta habang nahulog ang Perpetual Help sa 4-5 panalo-talo record. Ang CSB-La Salle Greenhills ay may 5-3 kartada habang ang EAC ay may 0-9 karta.

Mga iskor:
UPHSD (71) – Dagangon 20, Akhuetie 11, Singontiko 10, Coronel 9, Pido 8, Eze 5, Hao 4, Dizon 4, Sadiwa 0, Oliveria 0, Gallardo 0, Yuhico 0
MIT (51) – Menina 13, Estrella 8, Aguirre 8, Biteng 7, Oraeme 6, Bunag 4, Victoria 2, Eriobu 2, Serrano 1, Orquina 0, Raflores 0, Dela Rosa 0. Quarterscores: 15-8, 34-18, 48-34, 71-51
EAC (76) – Onwubere 16, Laminou 14, Morada 13, Pascua 10, Munsayac 9, Corilla 5, Aguas 4, King 3, Diego 2, Neri 0, Guzman 0, Estacio 0, General 0, Mendoza 0, Serrano 0
CSB (56) – Young 14, Haruna 13, Fajarito 11, Belgica 4, San Juan 4, Domingo JJ 4, Castor 2, Dixon 2, Pasamante 2, Sta. Maria 0, Domingo JS 0, Pajarillaga 0
Quarterscores: 16-15, 40-33, 53-43, 76-56

Read more...