‘Paloma’ binuhay para isabong kay Vice

vice ganda at coco martin

NA-EXCITE at natuwa ang madlang pipol pagbabalik ni Paloma sa ABS-CBN Primetime Bida series na FPJ’s Ang Probinsyano starring Coco Martin.

Kung matatandaan, nakapagtala ang FPJ’s Ang Probinsyano ng all-time high rating nang lumabas ang babaeng karakter ni Coco bilang si Paloma Picache. Si Paloma ang nagsilbing susi ng PNP para tugisin at matimbog ang isang malaking human trafficking syndicate na siya ring nasa likod ng pagkidnap sa kanyang hipag na si Carmen (Bela Padilla).

Sa episode na ito nakakuha ng 45.9 percent rating sa nationwide audience share ang teleserye ni Coco, base na rin sa datos na inilabas ng Kantar Media. Ilang linggo ring nagtagal ang pagganap ni Cardo bilang si Paloma. Nawala ang nasabing karakter sa serye nang mailigtas na nina Cardo si Carmen.

At ngayong linggo nga, muling lalabas si Paloma para makipagbakbakan kay Ella, isang “sextortionist” na ginaganapan ng Phenomenal Box-Office star na si Vice Ganda. Sa Instagram account ng Dreamscape Entertainment, inanunsyo nga ang pagbabalik ni Paloma sa Probinsyano para sa gagawing entrapment ng pulisya laban sa sindikatong kinabibilangan ni Ella na nambibiktima ng mayayamang foreigner.

Sa paghaharap nina Ella at Paloma, inaasahang mas tataas pa ang rating ng number one teleserye sa bansa. Ano nga kaya ang mga gagawing pasabog ng mag-BFF sa pagpapatuloy ng madrama at maaksiyong teleserye ng ABS-CBN? Samantala, sa pagkakaalam namin, tatlong linggo lang tatagal ang guesting ni Vice sa serye ni Coco, pero mukhang mapapahaba pa ito dahil sa magandang feedback ng viewers.

At sa pagpapatuloy ng Ang Probinsyano, siniguro nina Coco na marami pang lalabas na malalaking celebrities sa mga susunod na episode na tiyak ikagugulat ng manonood.  May balita nga na baka tumagal pa ng ilang taon ang nasabing serye dahil sa social relevance ng programa, bukod pa sa patok na patok sa viewers ang mga napapanahong isyung tinatalakay dito gabi-gabi.

Read more...