Horoscope, August 05, 2016 | Bandera

Horoscope, August 05, 2016

Madam Sophia - August 05, 2016 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Masuwerteng magsuot ng dilaw, upang ang kapalaran ay lalo pang gumanda. Sa pag-ibig nakakikilig ang regalong matatanggap mula sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 6, 12, 24, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra, “Radya-Neshaya-Om.” Bukod sa yellow ang silver ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Isang dating kakilala ang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig, habang papalapit ng papalapit ang ber months, may magaganap na palihim ngunit nakakikilig na romansa. Mapalad ang 3, 15, 21, 30, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vig-Graha-Om.” Blue at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — IHindi bagay sa iyo ang mag-sungit! Ngitian lagi ang mga kliyente at kakilala, sila ang magpapalago ng iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, patawarin at pagpasensyahan ang kasuyong sumpungin. Mapalad ang 4, 16, 25, 22, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohah-Mokah-Yotah.” Green at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — IMagiging mapalad ang araw na ito. Dagdag na pagkakakitaan ang mabubuksan. Sa pag-ibig, mas mainit na romansa ang mararanasan mula sa kasuyong Libra. Mapalad ang 9, 15, 24, 33, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — IKahit na marami ka ng pera alam mo bang laging may kulang? Sapagkat ang tunay na ligaya ay matatagpuan sa pagtulong sa kapwa. Tulungan ang mga kamag anak at iba pang mga nangangailangan upang lalo ka pang pagpapalin ni Lord. Mapalad ang 2, 7, 8, 26, 29 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — IHumingi ng opinyon sa kaibigan upang hindi mamali ng desisyon at siya rin ang maaaring sa iyo ay magpapautang. Sa pag-ibig, utak-talangka na naman ang kasuyo, pabayaan mo siyang mag-maktol! Mapalad ang 5, 9, 21, 38, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Yarah-Om”. Orange at maroon ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — IMapalad sa negosyong may kaugnayan sa computer, cell phone at iba pang modernong kasangkapan. Maghanap ng kasosyong may birth date na 5, 14, at 23. Sa pag-ibig, isang Libra ang siguradong sa iyo ay magpapaligaya. Mapalad ang 5, 17, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Anilam-Bastam-Idam-Om.” White at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — IUpang yumaman, magpataba ka! Ang mga taong may bilugan pagmumkha at matatabang pangangatawan ang mas madaling yumayaman. Sa pag-ibig, habang nagkakalaman at bumibilog ang katawan, ang iyong kasuyo ay lalong mahuhumaling sa iyong kagandahan. Mapalad ang 3, 7, 18, 27, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Meh-Om.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — ILumayo muna sa sinilangang bayan. Sa ibang lugar may magandang kapalarang naghihintay. Sa pag-ibig, sa abroad mo matatagpuan ang true love. Mapalad ang 3, 4, 9, 22, 28, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Pink at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — IHindi masamang humingi ng tulong, ang mas masama ay lagi ka na lang bigo dahil sa iyong pride. Hanapin ang isang Aries at sa kanya ka humingi ng favor upang matuldukan na ang iyong mga problema. Mapalad ang 2, 7, 15, 21, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti.” Orange at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — IKapag nagawa mong pasunurin ang mga taong nakapaligid sa iyo, malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, piliting mapangibabawan ang kasuyo, upang hindi makagawa ng kalokohan. Mapalad ang 3, 6, 12, 28, 37 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kale-Varam-Tam-Om.” Pink at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — ISa pag-ibig, limutin na ang nakaraang kabiguan. Isang Virgo ang sa iyo ay naghihitay. Sa pinansyal, tipid-tipid muna hanggat wala pang hawak na malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 2, 7, 10, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ravaye-Neh-Om”. Blue at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — IKailangang malaglag sa lupa ang bulok na prutas, upang tumubo ang bagong punla. Ganon din naman, kailangang mabigo upang bukas-makalawa, malaking tagumpay naman ang iyong mapala. Manatiling matatag sa bawat hamon ng kapalaran. Mapalad ang 5, 13, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Per-Aspera-Ad-Astra.” White at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending