Maja goodbye na sa Ang Probinsyano, papalitan ng tisay na sexy actress

maja salvador

NAPANOOD namin noong Miyerkules ng gabi ang episode ng FPJ’s Ang Probinsyano kung saan nagpapaalam na si Maja Salvador sa kasamahan niya sa sa PNP pati na sa mga karakter nina Coco Martin, Simon “Onyok” Pineda, McNeal “Mac Mac” Briguela at Ms. Susan Roces.

Babalik na raw ng Botolan (Zambales) si Maja kung saan siya naunang itinalaga bilang pulis. Maysakit kasi ang nanay ni Maja sa serye na si Malou de Guzman at kailangan nitong magpagaling sa probinsya.

Kailangang isakripisyo ni Glen (Maja) ang kanyang karera alang-alang sa ina tulad din ng pagsasakripisyo nilang lumuwas ng Maynila para samahan ang anak nila sa bago nitong assignment.

Totoo nga pala bossing Ervin dahil binigyan ng graceful exit si Maja ng programa para hindi naman mag-isip ang viewers kung bakit bigla na lang nawala ang aktres sa number one primetime show ng ABS-CBN.

Nagtanong kami sa mga taga-ABS-CBN tungkol dito, “Maglalabas kami ng official statement sa pag-alis ni Maja sa Probinsyano hindi dahil pasaway siya or unprofessional. Sobrang love siya ng production, in fact ayaw nga siyang pakawalan.

“Kaso na-extend nga e, may prior commitment na pala siya ngayong buwan, hindi naman puwedeng hindi niya gawin ‘yun kasi nakakontrata siya. Actually, malungkot si Majs pero anong magagawa niya?” sabi ng aming source.

Ang tanong, sino na ang magiging love interest nina Coco at John Prats sa Ang Probinsyano? Hindi kaya maging mainstay na si Meg Imperial sa serye na siya namang love interest ni Benny (Pepe Herrera) na papasok na rin sa headquarters.

Anyway, may tsika naman sa amin na maganda raw ang magiging kapalit ni Maja sa serye ni Coco – tisay, mas bata at sexy din tulad ni Maja.

Read more...