Si Chiz at ang kanyang magiging biyenan

bandera-4KUNG totoo ang sinabi sa akin, may dalawang personalidad si Sen. Chiz Escudero: Dr. Jekyll o mabait na personalidad na kanyang hinaharap sa publiko at ang masamang persona na kanyang tinatago sa publiko.

Isang kumadre nina Rey at Baby Ongpauco, may-ari ng Barrio Fiesta chain of restaurants, ang nagsabi sa akin tungkol sa dalawang mukha ng senador.

Sina Rey at Baby Ongpauco ay nagbuhos ng  sama ng loob sa kanilang kumadre at ito namang kumadre ang nagdaldal sa inyong lingkod.

Dapat ay hindi ko pinatulan ang binigay na tsismis sa akin, pero si Chiz ay isang senador at public figure at kailangang malaman ng publiko ang kanyang tunay na pagkatao kung totoo man.

Si Chiz ay kasintahan ng tanyag na aktres na si Heart Evangelista.Si Heart ay anak ng mag-asawang Rey at  Baby Ongpauco.

Ang apelyido na Evangelista na dinadala ni Heart sa pelikula ay apelyido sa ina ni Rey Evangelista Ongpauco.
Di raw ginagalang ng senador ang mag-asawa.

“Bastos siya, di kami ginagalang,” sabi ng mag-asawa sa kanilang kumadre na di ko na lang pangalanan.

“Talagang bastos siya, parang wala siyang pinag-aralan,” dagdag ni Baby Ongpauco.

Tuwing humaharap daw itong si Chiz sa kanyang magiging biyenan, lasing na lasing daw ito.

At kung datnan ng mag-asawa si Chiz sa condominium unit na tinutuluyan ni Heart, di man lang daw ito marunong bumati sa kanila o tumindig man lang at magsabi ng “Magandang umaga po” o “Magandang gabi po” sa kanila.

Binabale-wala raw ang mag-asawa gayong sila’y magulang ng kasintahan ng batang senator-reelectionist.

Si Chiz ay nangunguna sa lahat ng mga surveys.

Akala namin ay may modo siya dahil siya’y isang senador at galing naman sa mabuting pamilya, pero parang di siya tinuruan ng magandang asal ng kanyang mga magulang,” sabi ni Baby Ongpauco.

Nag-aalala ang mga magulang ni Heart sa relasyon nito sa senador dahil parang irresponsible raw ito bilang kasintahan.

Palagi raw ginagamit ni Chiz ang Mercedes Benz ni Heart gayong marami naman daw itong kotse.

Magdamag daw na ginagamit ni Chiz ang Mercedes at kung inuuwi kay Heart ay inuumaga na.

“Saan naman siya nagpupupunta at bakit di niya gamitin ang kanyang kotse samantalang marami naman siyang kotse?” tanong ni Baby Ongpauco.

Nasusulsulan daw ni Chiz na sumagot-sagot si Heart sa kanila.

Pati na raw si Heart ay di na sila ginagalang, anang mag-asawa.

In the interest of fairness and objectivity, kinunan ko ng pahayag ang senador.

He sounded surprised sa sinabi ko sa kanya.

“Bakit ko naman sila hindi igagalang, samantalang sila’y magulang ni Heart? Tinuruan naman ako ng aking mga magulang ng magandang asal,” sabi ng senador.

Ayaw raw ng mga magulang ni Heart sa kanya, sabi ni Chiz.

May di raw pagkakaunawaan sina Heart at ang kanyang mga magulang, dagdag pa ni Chiz.

Nasa naiipit daw siya sa gitna ng nag-uumpugang bato, sabi ng senador.

Kung tatanungin ninyo ang mga lalaki na marunong manligaw, sasabihin nila sa inyo na dapat ay unang liligawan ay ang mga magulang ng babae.

Kailangang bigyan sila ng malaking paggalang at dapat ipakita sa kanila ang paggalang dahil kung wala sila ay wala ang babaeng napupusuan ng lalaki.

Simple gestures like standing up when they come out of their room or saying “Good morning” or “Good afternoon” go a long way toward creating harmonious relationships with your future or prospective in-laws.

May ikukuwento ako sa inyo tungkol sa panliligaw noong ako’y binata pa.

Dumalaw ako sa babae na malaki ang crush ko.

Bago dumating sa bahay ng babae ay may hardin at nakita ko ang isang babae na akala ko ay kasambahay dahil sa kanyang pananamit.

“Nandiyan ba si (pangalan ng babae)?”

“Nandito po,” sabi ng matandang babae.

“Tawagin mo nga,” sabi ko.

Nang hinarap ako ng babae ay pinagsabihan ako na wala akong paggalang sa kanyang nanay.

Hiyang-hiya ako at di na muling nagpakita sa babae.

Read more...