Julie Anne inupakan ng bashers dahil sa ‘hugot-hugot’ emote

julie anne san jose

LAIT ang inabot ni Julie Anne San Jose sa isang article titled @MyJaps, humugot sa heartbreak para sa ‘Naririnig Mo Ba?’ which came out sa isang online network.

Bash ang inabot ng dalaga mula sa pinaghihinalaang AlDub fans. “Anyare sa nose line?” wailed one basher. “Nakailang heartbreak na ba to? Eh kung kay Alden p din yan, uso move on. si Rodrigo Duterte na Presidente natin uy!” comment naman ng isa pang basher.

“Kala ko NBSB tong batang to. Saan galing ang heartbreak ek ek nya? Wala namang nag claim na naging GF sya,” pananaray naman ng isa pa. Pero hindi ito nakaligtas sa isang avid female fan ni Julie Anne na si @japsadmirer who defended the singer-actress on her Twitter account.

Palaban ang fan ni Julie Anne, parang one-woman army ang drama ng hitad because she singlehandedly PARRIED off all the bashings addressed to her idol. Wala siyang takot na pinangalanan si Maine sa kanyang aria. “Ang lakas nila manlait, makeup at tangos kasi ng ilong ni Julie kaya ganyan noseline nya. Bago lait tingin muna sa mukha ni Maine ha.”

“Insecure Maine fans. Nakakaawa kayo kasi todo lait kayo palibhasa yung queen monkey nyo need ng sandosenang makeup.” “Pag si Julie binabash at lait nyo pwede, pag kami gumanti, biglang kami nangunguna? Di kami papayag no!”

“O ayan @gmanetwork kitang kita naman sa comments na ang sasama talaga ng fans ni @mainedcm wont tag Alden. He’s nice.” O, anong say n’yo Maine fans. Nakakuha kayo ng katapat! Siguradong may sagot agad ang mga minions ng ka-loveteam ni Alden Richards.

Read more...