Magandang aktres pinagtsitsismisan ng mga stylist, sobrang bantot ng hininga

BLIND ITEM FEMALE 0429

KUNG ganda ang pag-uusapan ay walang dudang nasa itaas ng listahan ang isang female personality. Parang walang mali sa kanyang itsura, perfect, sabi nga ng mga kapatid nating beki.

Kahit wala siyang make-up ay lumulutang ang ganda ng aktres na ito, isama mo man siya sa sangkatutak na artistang sa umaga pa lang ay nagpa-make-up na ay wala silang binatbat sa girl, natural kasi ang kanyang kagandahan.

Pero puro ganda na lang ba kasi ang pag-uusapan tungkol sa kanya? Paano at kumusta naman ang iba pang aspeto ng kanyang buhay? Kuwento ng isang tropang maraming beses nang nakakatrabaho ng magandang aktres, “Super-beautiful talaga siya, pero bakit ganu’n? Bakit kapag nakakasama namin siya, e, may kung anong masangsang kaming naamoy sa kanya?

“May datung naman siya, pero bakit hindi siya magpatingin sa doktor para magkaalaman na kung saan nanggagaling ang hindi kagandahang amoy ng hininga niya?” simulang kuwento ng grupo. Meron silang duda na ang mga iniinom na gamot ng girl ang dahilan, kumpleto kasi siya sa diet pills, takot na takot kasi siyang tumaba.

“May konek nga ‘yun sa sangdamakmak na pills na iniinom niya, kasi, buung-buo naman ang teeth niya, e. Parang sa loob na ‘yun nanggagaling. Akala nga namin, e, kami lang ang nakakapansin nu’n. “Pero nu’ng minsang magkasama-sama kaming mga stylist, e, nalaman ko na marami na pala kaming nakakapansin ng kakaibang masyohong halimuyak ng hininga niya.

“Hindi kagandahan ‘yun, amoy na amoy talaga, lalo na kapag humahalakhak siya habang nagpapaayos. Nagkakatinginan na nga lang ang lahat ng nakapaligid sa kanya. “Basta, Bradly Guevarra, very beautiful siya, pero wala ngang perfect sa mundo, meron pa ring kulang at sobra,” pagtatapos ng aming impormante.

Read more...