Alden atras na bilang ka-loveteam ni Jennylyn sa bagong GMA teleserye

jennylyn mercado at alden richards

SIMULA na ng taping ni Jennylyn Mercado ng bago niyang show sa GMA bilang bahagi ng bago niyang kontrata. Host ang Ultimate Actress sa nasabing program na isang singing contest. May alam na kami sa iba pang detalye ng programa pero hayaan na lang nating ang istasyon ang maglabas nito.

Bukod sa new show, ilalabas na din ang cooking show ni Jen sa GMA News TV, ang Everyday Sarap With CDO simula sa Aug. 7. Siyempre pa, ang hilig sa pagluluto ng masustansiyang pagkain ang ibabahagi ni Jennylyn sangkap ang produkto ng CDO Foodsphere tulad ng Danes Cheese Spread, CDO Cheesedog, CDO Sweet Preserves at CDO Ulam Burger.

“Very happy ako hosting this cooking show kasi alam naman ninyong type na type kong magluto. Sa bahay naman, mahilig akong mag-bake. Marami akong natututunan kaya naman pag-uwi ko sa bahay, nagagamit ko ang natutunan ko para pag-uwi ko sa bahay eh, may bagong natitikman si Jazz (anak niya),” rason ni Jen.

Mula sa direksyon ni Noel Anonuevo, mapapanood ang cooking show ni Jen mula Lunes hanggang Biyernes – 8:20-8:30 a.m.; 3-3:10 p.m. at 7-7:10 p.m.. Sa Sabado naman, 8:20-8:30 a.m.; 3-3:10 p.m. at 4:50-5 p.m. at sa Linggo, 12:25-12:55 p.m.; 4:50-5 p.m. at 5:40-5:50 p.m..

Pagdating sa teleserye, may tsismis na hindi na raw si Alden Richards ang ipapareha sa kanya sa local version ng Koreanovelanga My Love From The Stars. Isa nga sa dahilan kung bakit hindi na ang Pambansang Bae ang itatambal kay Jen ay ang sandamakmak na request ng AlDub fans.

Read more...