2 turistang Dubai national arestado dahil sa rape, trafficking sa Baguio

baguio
ARESTADO ang dalawang turistang  Dubai national matapos umanong gahasain ang isang 16-anyos na dalagita sa isang hotel sa  Camp John Hay, Baguio City, kahapon ng tanghali.
Nahaharap sina Abdelrahman Mohamed Rashid Mansouri Alsuaidi, 33,  Dubai municipal inspector sa United Arab Emirates, at  kasamang si  Waleed Shamlan Mohamed Shamlan Alshuweihi, 46, sa mga kasong statutory rape at human trafficking, ayon sa pulisya.
Tinawagan ang mga pulis ni Jose Victor Trinidad, isang empleyado ng hotel matapos magsumbong ang tatlong babae, dalawa rito ay mga dalagita pa matapos umano silang mapilitang sumama sa mga turista papuntang Baguio.
Sinabi ng isa sa mga babae na ginahasa siya ng isa sa mga turista.
Idinagdag ng mga babae na pinilit din silang humithit ng  marijuana.
Narekober din ang maliliit na bag ng iligal na may lamang iligan na droga sa kuwarto ng mga bisita sa hotel.

Read more...