‘Wag nating baguhin si Maine, ‘yun siya, e! – Juday

judy ann santos at maine mendoza

MAY advice ang award-winning TV host-actress na si Judy Ann Santos kay Dubsmash Queen Maine Mendoza para hindi masyadong maapektuhan sa patuloy na pamba-bash sa kanya sa social media.

Hindi pa nakikilala nang personal ni Juday si Maine pero ang asawa nga niyang si Ryan Agoncillo ay katrabaho ito sa Eat Bulaga, “I haven’t met Maine personally. Si Alden pa lang ang nakakasama namin. Nag-breakfast na siya sa bahay, nagkaka-gym kami together,” sey ng aktres.

Nakachikan ng ilang members ng entertainment press si Juday sa special screening ng kanyang Cinemalaya 2016 entry na “Kusina” na ginanap sa Directors Club cinema ng SM Megamall last Tuesday, at dito nga siya nahingan ng reaksiyon tungkol sa kinasasangkutan kontrobersiya ni Yaya Dub na nagsimula sa isang artikulo na ipinost niya sa kanyang blog.

Natanong si Juday kung ano ang masasabi iya sa naging pahayag ni Maine na, “I would never change who I am just to conform”, “I totally understand where she’s coming from, kasi hindi naman talaga siya nanggaling sa pagiging artista, di ba?

“Biglaan lahat ito sa kanya so nakaka-overwhelm ang buhos ng atensiyon sa kanya and everybody is expecting so much from her. “Siya bilang tao, bilang bata, parang nadi-deprive na siya ng mga bagay na gusto niyang gawin personally. Nadya-judge siya sa mga ginagawa niya kasi people are expecting so many things from her, and hindi siya dapat magpa-pressure sa ganu’n.

“Tama naman sa sinabi niya na, ‘Ako ito. Tanggapin niyo ako kung sino ako.’ Huwag nating baguhin ang bata. Yun siya. Kasi pag binago natin ang isang tao, magiging malungkot siya. Kumbaga, huwag natin siyang angkinin. We don’t own her. Maine doesn’t owe anything from anybody,” paliwanag pa ng misis ni Ryan.

Hirit pa ni Juday, “Hindi naman siya manika na binuo sa factory at puwedeng baguhin anytime they want. If they really love Maine, as supporters, they have to understand where she’s coming from. “Kung bashers naman sila, ang magiging payo ko lang kay Maine, bashers will always be bashers. So she needs to brace herself for more roller-coaster rides. Because this is how show business works,” dagdag pa ng aktres.

Read more...