Divorce binuhay sa Kamara | Bandera

Divorce binuhay sa Kamara

Leifbilly Begas - August 03, 2016 - 03:40 PM
house of rep Muling binuhay sa Kamara Representantes ang panawagan na magkaroon ng divorce sa bansa upang makawala ang mga babae na pinagmamalupitan ng kanilang mga mister.      Umaasa si Gabriela Representatives Emmi de Jesus at Arlene Brosas na magiging prayoridad ang kanilang panukala ngayong 17th Congress.      “It is high time that the state give couples in abusive and irreparable marriages the option to divorce. We hope that this time, both Houses of Congress will finally approve the Divorce Bill,” saad ng kanilang House bill 2380.      Unang inihain ng Gabriela ang panukala noong 13th Congress.      Sa kanilang panukala maaari lamang mapagbigyan ang aplikasyon ng diborsyo kung hiwalay na ang mag-asawa ng mahigit sa limang taon, legal na hiwalay na ang mag-asawa ng dalawang taon, kung imposible ng magsama ang mag-asawa, at kapag hindi na kayang gampanan ng isa ang kanyang obligasyon bilang asawa.      Ang panukala ay tatalakayin ng House Committee on Women and Gender Equality.      “The President said he would support women during his SONA speech. This is a milestone legislation needed by women. We hope we could pass a law on divorce,” ani Brosas.      Sinabi ni Batangas Rep. Raneo Abu na magandang mapag-aralan ang panukala upang matukoy ang mga merito nito.      Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo dadaan sa butas ng karayom ang Divorce bill gaya ng Reproductive Health bill.      “Yan ay usapin na dapat pang pag usapan. Parang RH Bill. Culturally napaka hirap pag usapan ang divorce,” ani Quimbo.      Hindi naman susuportahan ni Capiz Rep. Fredenil Castro ang panukala.      “Ako ay hindi naniniwala sa divorce. Dahil ako’y naniniwala na kung ano ang sinumpaan sa batas ng Diyos at batas ng tao at dapat panindigan ko,” ani Castro. “Pangalawa, kung mayroon tayong absolute divorce, ang pagsasama ng mag-asawa ay magiging laruan lamang. Napakadaling magpakasal, gagawing laruan ito, gagawing past time ito. Gusto ko ang mag-asawa bago magpakasal, ay mapag-isipan nila ng mabuti ang kanilang pinapasok.” 30

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending