First love never dies

Sulat mula kay Karen ng Alta Tierra Village, Jaro, Iloilo City
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend na ako ngayon kaya lang hindi ko siya masyadong mahal. Lagi ko kasing naaalala ang first love ko na nasa Maynila sa ngayon. At dahil gusto ko na nga siyang makalimutan ay sinagot ko ang manliligaw kong si Allan na siya ngang boyfriend ko ngayon. Kaya lang dahil nga mas mahal ko ang aking first love, hanggang ngayon ay ginugulo pa rin niya ang isip ko. Ang gusto ko po ngayong malaman ay kung babalikan pa kaya ako ng first love ko na tawagin na lang nating Aldryn? May pangako kasi siya sa akin na sa kanyang pagbabalik ay magpapakasal na kami. Balak ko na kasing makipag-break sa kasalukuyan kong boyfriend, tama ba ang gagawin kong ito? Sino sa dalawang lalaking ito ang makakatuluyan ko? October 7, 1992 ang birthday ko.
Umaasa
Karen ng Jaro, Iloilo City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung sino ang unang lalaking iyong minahal at nagmahal din sa iyo nnag tapat at totohanan, malaki ang posibilidad na siya na ang iyong makakatuluyan.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Two of Hearts at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa buwan ng Setyembre ay tiyak ang magaganap – magdedesisyon ka na at ang magiging desisyon mo ay makipag-break sa kasalukuyan mong boyfriend at hintayin ang pagbabalik ng iyong first love.
Itutuloy

Read more...