Mariel pinagbawalan nang magtrabaho sa ika-6 na buwang pagbubuntis

mariel rodriguez at robin padilla
NAKABAKASYON din sa It’s Showtime si Mariel Rodriguez-Padilla, pati na sa PBB Lucky 7 Edition. Upon her doctor’s advice daw ay kailangan niyang magpahinga at magpalakas.

Ang very supportive niyang husband na si Robin Padilla ang balitang nag-a-attend sa mga commitments na una nang natanguan ng asawa, plus siyempre pa ay personal din nitong pag-aasikaso sa kabiyak na nasa ikaanim na buwan na ng pagbubuntis.

Sina Toni Gonzaga-Soriano at Bianca Gonzales-Intal ngayon ang abala sa PBB kasama ni Robi Domingo. And yes, hindi rin talaga nakukumpleto ang pamilya ngayon ng Showtime dahil of late, either si Vice Ganda, Karylle o sina Anne Curtis o Billy Crawford ang wala. Busy lang sila ngayon as individual celebrities.

 

 

Read more...