BB nagrebelde dahil sa ex-dyowang sportsman

bb gandanghari

CALL it timing pero nu’ng lumabas sa social media ang hubo’t hubad na larawan ni BB Gandanghari ay nanonood kami ng isa sa mga movies niya noon sa PBO. Guwapong-guwapo at very young looking pa si Rustom Padilla sa movie na iyon at kung tunay na lalaki pa sana ito ngayon sigurado kaming marami pa rin siyang kakabuging male actors.

Pero yun na nga, isa na siyang girl ngayon na super proud sa pagbibilad ng super lean niyang katawan bilang si BB Gandanghari. Just wondering kung ano na nga ba ang pinagkakaabalahan ni BB ngayon after niyang makasama sa isang sitcom ang mga barako niyang utol sa TV5?

Ang huli kasi naming nabalitaan tungkol sa kanya ay ang hindi rin naging bonggang affair niya sa isang sports man. May alam kaming ilang eksena about the two pero wag na lang muna nating pag-usapan.
Feeling namin “pagrerebelde” ang ginawang pagbibilad ng hubo’t hubad na katawan ni BB sa beach nang dahil kay sportsman.

Read more...