Dasal ni Dennis: Si Jennylyn na sana ang maging ‘forever’

jennylyn mercado at dennis trillo

INAMIN ni Dennis Trillo na seryoso siya kay Jennylyn Mercado, umaasa siyang sila na sana hanggang sa huli.

Nakausap namin ang aktor sa first shooting day ng “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?” ng Viva Films at Idea First Company sa direksiyon ni Jun Lana at sabi nga namin dapat talagang magseryoso na siya dahil mahirap ang paiba-iba na sinang-ayunan naman niya.

Ang bahay pala na ipinagawa ni Dennis sa Antipolo City ay para sa pamilya niya at hindi para sa future nila ni Jennylyn. “Pinagawa ko ‘yun para sa family ko, doon na nga po sila nakatira. Iba pa po ‘yun (bahay para sa future).

Now, we take it slowly muna,” seryosong sabi ng leading man ni Anne Curtis sa “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend.” Tinanong namin ang aktor kung ilang buwan o taon na silang nagkabalikan ni Jennylyn at napangiti lang si Dennis. Nu’ng sinabihan naming “off-the-record” na lang ay saka niya sinabi amin.

Anyway, dream come true para kay Dennis na makatrabaho si Anne, “Well, siyempre, Anne Curtis ‘yan, very talented. Multi-talen­ted. At saka, parang masaya lang siyang katrabaho, pleasant,” sabi ni Dennis. Na-excite si Dennis sa movie nila ni Anne dahil, “Bago na naman ito para sa akin, refreshing kasi usually ang ginagawa ko heavy drama, so ngayon lang ako nakakakuha ng projects na medyo feel good, hindi ganu’n kabigat panoorin, so excited po ako.

“Ito kasi ang trend ngayon na gustong panoorin ng tao, kasi puro seryoso mga palabas ngayon, kaya sakto ngayon ang movie namin,” kuwento ni Dennis. Kay Anne iikot ang kuwento ng pelikula kung saan lahat ng lalaking nagiging boyfriend niya ay bakla pala at dahil mahinhin ang karakter ni Dennis kaya type siya ni Anne pero may twist daw ito.

Read more...