Sexy star 4 na oras ang sinayang bago nakaiyak sa isang eksena

blind item female

MUKHANG hindi nakuha ng sexy actress ang simpatya ng nakararaming kasamahan nito sa industriya dahil marami kaming kuwentong naririnig na hindi maganda tungkol kanya.

Gulat na gulat kami dahil ang buong akala namin ay mabait siya at magaling talagang umarte dahil okey naman ang akting niya kapag napapanood namin. “Hindi siya magaling umarte, her co-actors in a movie waited for almost four hours para lang makaiyak siya sa isang scene.

“Wala namang magawa ang production dahil importante ‘yung eksenang ‘yun, hindi pwedeng tanggalin. Mahalaga kasi ang role ni _____ (sexy actress) kasi may kunek sa kuwento ng pelikula,” kuwento ng kilalang female star na nakatrabaho na ang sexy actress ng maraming beses.

Inirereklamo na pala ang sexy actress ng mga kasamahan sa showbiz at production staff, e, bakit binibigyan pa rin siya ng project? Lalo’t pasaway pa. “Maganda kasi siya sa screen plus the fact na marami siyang fans in fairness naman at maayos siyang kausap. ‘Yun lang, hindi kaagad niya mai-deliver ang gustong akting ng direktor,” katwiran sa amin ng isa pang aktor na nakasama na rin ng sexy actress.

Samantala, kuwento naman sa amin ng isang taga-production na nu’ng nag-guest ang sexy actress sa isang programa para ikuwento ang mga pinagdaanan niya sa buhay at sa kanyang lovelife ay umiiyak siya at awang-awa sa kanya ang lahat dahil feeling nila ay hindi niya deserved na inaapi siya.

Pero heto na ang tsika bossing Ervin, “Ano ba, bago siya sumalang sa harap ng camera, she was seen inside the dressing room having fun with her friends as in super tawa siya nang tawa at talagang aliw na aliw sa kuwentuhan.

“Tapos nu’ng sumalang na sa interview, lungkut-lungkutan na ang drama tapos umiyak pa? Grabe ang motivation, huh! Ang bilis! Sana ‘yung motivation niya, ginamit niya ‘yan sa movie nila noon para hindi na naghintay ng apat na oras ang co-stars niya plus staff and crew,” kuwento pa ng aming source. At bukod pa riyan, “Hindi siya nakikisama, tahimik lang ‘yan sa standby area niya, natutulog at hindi nakikipag-usap sa co-actors niya.”

Read more...