Jolina bilib na bilib sa katapangan ni Melai bilang ina at asawa

 

BILIB na bilib si Jolina Magdangal sa co-host niya sa Magandang Buhay na si Melai Cantiveros dahil sa professionalism nito na kahit na nga may pinagdaraanang marital problem ay tuloy pa rin ang pagtatrabaho.

“Hindi mo siya makikitaan kung ano ‘yung nagraramdaman niya kapag nagte-take na. Kayang-kaya niyang dalhin. Kaya natatawa ako na ganu’n ‘yung lumabas na sinabi ni Jason (Francisco) kasi parang sa pagkakaalam namin kay Melai, hindi naman ganu’n kagrabe. Ganu’n na pala,” ani Jolens sa panayam ng ABS-CBN.

“Hindi biro ang pinagdadaanan niya pero hindi mo siya makikitaan na ‘Kawawa naman ako, intindihin niyo ako, hindi muna ako magte-take.’ Go, go siya. Very professional siya, very hands-on sa anak niya,” dagdag ni Jolina.

Read more...