Billy: Wala akong kaduda-duda…hindi bading si Luis!

 

PINAGTATAWANAN lang nina Billy Crawford at Luis Manzano ang mga tsismis tungkol sa kanilang sexual preference. May mga nagsasabi kasi na pareho raw silang bading at nagdyodyowa lang ng babae para maitago ang kanilang tunay na pagkatao.

Ayon kay Billy, sanay na sila ni Luis sa mga ganitong uri ng chika, bata pa lang daw siya ay natsitsismis na siyang bading. May balita rin noon na naging magdyowa sila ni Luis.

Sa presscon ng gay comedy film nilang “That Thing Called Tanga Na” tinanong ng press si Billy kung ano ang naging reaksyon niya noong ma-link sila ni Luis, “Ay pinagtatawanan lang namin yon. Mas lalo kaming naglalandian sa isa’t isa para mainis lang yung mga yon. We enjoy working together. Si Lulu Boy isa sa matalik kong kaibigan yan.”

So, hindi talaga beki si Luis? “Hindi ah. To be honest, sa akin naman, wala akong pakialam kahit pagdudahan siya. Kilala n’yo naman si Luis. Hindi namin pinag-uusapan yon. Pag secure ka (sa pagkalalaki mo) secure ka, di ba?”

Kinumusta rin ng press ang friendship nila ng TV host-comedian? “Siya yung girl. Ha-hahaha! Hindi, alam mo si Luis, isa siya sa pinakamahirap na hagilapin. He’s sobrang busy. Pag nagkakasama kami, very short period lang, so mabilisan yung usapan. Puro kalokohan yan pagdating sa TV pero si Luis is one of the most intelligent human beings I’ve met.

“He’s very secretive, very, very. Kailangan hugutan mo, hindi mag-o-open sa yon yan until he really trusts,” aniya pa.

 

Read more...