JaDine bumida sa Teen Vogue; iginaya kina Miley Cyrus and Liam Hemsworth

BIDANG-bida ngayon ang reel and real-life couple na si James Reid and Nadine Lustre sa Teen Vogue matapos maglabas ang magasin ng feature tungkol sa idea ng love team meron sa Pilipinas.

Oo nga, ang JaDine tandem ang kamakailan lang ay nainterview ng Teen Vogue tungkol sa kanilang love team,  kung paano sila nagsimula at kung anong meron sila ngayon.

Sa nasabing feature, inihalintulad ang dalawa kina Miley Cyrus and Liam Hemsworth, na gaya nila ay nagsimula ang kanilang relasyon sa screen.

“We never pretended to be together or lied to the fans. We were just friends, but they didn’t think so. When you’re in a love team, you have to work together,” chika ni James sa Teen Vogue.  Proud din anya siya sa ginawang pag-amin tungkol sa kanilang relasyon.

“It was a good decision and a weight off our shoulders,” chika pa ng aktor.

Bonggang-bongga na nga talaga ang JaDine.  First time kasi na merong isang international outfit ang nag-feature sa kanilang reel-to-real relationship. (Preen)

Read more...